CHAPTER 29 DAHLIA’S POV “HATID NA KITA PAUWI,” wika ni Valentino sa akin matapos ko isaklay ang sling bag sa balikat ko. Natigilan ako dahil halos buong araw niya ako di pinapansin tapos ngayon ihahatid niya ako? “S-sige,” tugon ko sa kaniya kaya sabay kaming bumaba hanggang sa pumasok kami ng kotse. Walang imik na nagmamaneho si Valentino papuntang bahay ko hanggang sa kapuwa kaming bumaba pagdating namin. “Salamat sa paghatid sa akin dito,” ngiting pasalamat ko sa kaniya. “No problem,” malamig na wika niya sa akin kaya medyo nalungkot ako. Dahil ba ito sa pagtanggi ko sa kaniya kanina kaya ganito siya ngayon? Masyado na talaga ata siyang desperado sa akin? Hay. Kinakilabutan ako sa mangyayari. Paano na lang kung malaman ni Don Mariano na hindi naman talaga kami mag-jowa? Ano na