Hello! Please reload your app, sign in and sign out again to read Chapter 24. Happy reading po! CHAPTER 25 12 HOURS BEFORE DON MARIANO WAS HOSPITALIZED 3RD PERSON POV MASIGLANG binati ng mga maids ang pagdating ni Jessa kasama ang anak nito na nasa stroller nang salubungin sila. “Magandang umaga po, Ma’am,” ngiting pagbati ng mayordoma sa pagdating nito. Napangiwi si Jessa saka tumango at nilagpasan lang ito. Lihim na pinatunog ng mayordoma ang dila nito dahil sa asal na pinakita ni Jessa dito. “Parang ang sama ng kutob ko dito sa babaeng ‘to. Ang sungit niya,” pabulong na wika niya sa sarili ngunit dinig ng isang maid na katabi niya. “Tama nga po, Miss Mabel. Akala ko ang bait niya pero gano’n talaga siguro kung nanay ka ng magiging tagapagmana ng Clemente?” wika ng maid dito sa m