CHAPTER 26 DAHLIA’S POV PARANG TILA biglang sumigla ang pakikitungo ni Valentino sa akin nang inaya ko siyang kumain sa labas pagkatapos ng trabaho. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko ito ginagawa sa kaniya, naaawa lang siguro ako dito para kahit papaano makalimutan niya problema niya. “Pasensya ka na kung dito sa House of Chicken kita dinala. Mura lang kasi dito pero masarap naman ang pagkain nila. Hindi ba?” Ngiting tumango si Valentino habang nginungya ang buffalo wings. “Masarap dito, Dahlia, sana pala matagal ko na itong na-discover noon pa.” Nilinga niya ang buong paligid at muling ngumiti dahil sa ganda ng ambiance, kahit mura lang ang pagkain dito pero mala-international class ang dating sa loob kaya hindi halata. “Madalas ako dito dahil paborito