CHAPTER 27 3RD PERSON POV NAPAHINTO ng sasakyan si Valentino nang makita ang pulang traffic light sa unahan niya. Kaagad na kinuha ang cellphone niya sa bulsa at nagpunta sa inbox. Binuksan niya ang conversation nila ni Dahlia na ang laman ay tungkol lang sa trabaho. Nagsimula siyang i-type ang gusto niyang sabihin dito. To: Secretary Dahlia Kamusta ka? Traffic ngayon. Bigla niyang pinindot ang backspace at umiling at sinimulan mag-type ulit. To: Secretary Dahlia Sorry for what I did earlier. Are you okay now? Umiling muli si Valetino saka binura ang message niya. To: Secretary Dahlia Traffic. Humugot nang malalim na hininga si Valentino dahil hindi niya alam kung anong i-se-send niyang text kay Dahlia. Nang akmang ibubura niya muli ang mensahe ay nabigla siya nang marinig ang