This chapter is dedicated to Jrhoane Arrah Queen. Thank you sis! *** CHAPTER 46 3RD PERSON POV WALANG PASUBAlING naglakad si Jessa patungong opisina ni Valentino. Habang naglalakad siya ay biglang nakabanga niya si Dahlia dahilan ng pagkahulog ng mga papel at folder sa sahig. “Sorry po!” pahumanhin nito sa kaniya pagkuwan ay dagling kinuha ang mga ito. “Excuse me. May I know kung saan ang opisina ni Valentino?" Matapos kunin ni Dahlia ‘yon ay humarap siya dito. “May appointment po ba kayo kay Sir Valentino?” tanong niya kay Jessa saka marahang tumawa ito dahil hindi siya kilala ni Dahlia. “Bakit kailangan ko pang magpa-appointment? Are you his secretary?” “Yes po. Ako nga.” “I bet hindi mo pa ako kilala,” seryosong wika ni Jessa dito. Nanlaki ang mata ni Dahlia nang maalala n