CHAPTER 47 DAHLIA’S POV NAPABUNTONG-HININGA AKO matapos kong makita sa relo na mag-aalas dyes na pala ng gabi. Nag-over time kasi kami ni Valentino dahil sa dami ng mga gagawin para sa anniversary ng Clemente Corp. at niliban muna namin ang date namin ngayong gabi. Nakita kong lumapit siya sa akin at nilatag sa lamesa ko ang listahan ng mga VIP na dadalo sa event. “Kabisaduhin mo ang mga mukha ng mga VIP’s at backgrounds nila. Saka nabasa mo na ba ang mga previous business trips namin ni Miss Joan?" “Ah, ‘yung mga compilations na binigay mo sa akin? H-hindi ko pa natapos, eh,” nahihiyang tugon ko sa kaniya saka narinig ko ang paghugot ng hiniga niya dahil sa disappointment. “Gano’n ba? Okay. Basahin mo na rin dahil may tatlong VIP na darating sa event na nakasama namin sa business tri