CHAPTER 8-A DAHLIA’S POV SINARA ko ang clear book nang sumakit ang ulo ko dahil overwhelming at hindi ko na masyadong maintindihan lahat tungkol sa business ng kompanya ni Sir Valentino. Umiling ako at tumayo mula sa kinauupuan ko. “Hindi puwede, Dalhia, dahil kailangan mong pag-aralan lahat nang ‘yan.” Ilang sandali pa’y biglang tumunog ang cellphone ko sa lamesa at tanaw ko ang pangalan ni Lina kaya kaagad kong sinagot ‘yon. “Hello?” “Girl! Hindi mo naman sinabi sa akin na secretary ka na ni Sir Valentino! Inggit ako sa’yo!” “Sorry ang dami ko kasing iniisip. Hay. Bakit ka naman maiingit do’n? Eh, sungit nga niya sa akin.” “Naku! Hindi mo ba alam na retired casanova king 'yan." “Kanina ko lang nalaman sa pinsan niya.” “Sinong pinsan niya?” “Si Miss Vivian.” “Omg! Napaka-suwe