CHAPTER 7 DAHLIA’S POV NILIBOT na namin lahat ng department ng Clemente Corp ni Vivian. At grabe! Sobrang lawak pala talaga ng lalakarin mo. “Halika punta tayo ng canteen pero tawag talaga namin d’yan ay Clemente Restaurant.” Dinala niya ako ro’n at namangha dahil sa ganda ng ambiance, ‘yung tipong nasa international restaurant ka. “Wow! Ang ganda ng lightnings, at ang clothing ng dining table ang ganda ng design! May class!” maligayang wika ko sa kaniya. “Designed ‘yan ni Valentino dahil gusto niya pagkakain ang mga empleyado parang feeling nasa ibang bansa sila kahit Filipino foods ang menu. But, the food here isn’t expensive.” Nagtungo kami sa cashier area at kumuha ng menu. “Here,” bigay niya sa’kin kaya tinanggap ko. Nanlaki mata ko nang matantuan ang presyo ng pagkain nila