This chapter is dedicated to Mafe Palacio. Thank you sa first comment sa Chapter 38 CHAPTER 39 DAHLIA’S POV “PANSIN KO kanina ka pa nakangiti na parang timang d’yan. Hoy! Nag-da-daydream ka ba?” tanong ni Paulina saka niya ako kinawayan ngunit ‘di ‘yon ang naging hadlang upang maalis ko sa isip si Valentino. “Hala! Andito si Valentino sa coffee shop, oh!” sigaw ni Paulina kaya napukaw ang atensyon ko saka tumayo upang hanapin ito. “Ha? Saan?” excited na tanong ko sa kaniya saka siya tumawa. “Joke lang ‘yon! Bakit ba? Iniisip mo ba siya kaya ka nakatunganga d’yan na parang baliw?” Napakurap ako ng dalawang beses saka muling umupo. “H-hindi, ah! Hindi ko siya iniisip!” pagtanggi ko sa kaniya ngunit nabasa niya sa mga mata ko ang pasisinungaling ko dito. “Kilala kita, Dahlia. At mas