This Chapter is dedicated to Jessa Marinduque. Thank you for reading, sis! Kung gusto niyo ng dedication sa next chapter, dapat mauna kayong mag-comment sa chapter na 'to. *** CHAPTER 17 DAHLIA’S POV MAHINAY na pumasok ako sa opisina ni Valentino matapos niya akong tawagin sa telepono. Hindi ko alam kung tungkol ba sa trabaho o baka naman tungkol sa kontratang pagpapanggap ang pag-uusapan namin. Pagkapasok ko sa loob ay ngumiti siya sa akin at tumindig para salubungin ako. Natigilan ako nang makita kong naka-unbutton ang dalawang buttones niya sa taas ng damit, kaya kita ko nang bahagya ang tantya kong matigas niyang dibdib. Kaagad kong nilipat ang tingin kay Valentino at nakita ko sa kaniyang mukhang inaakit niya ako. Napalunok ako sa ginawa niya nang unti-unti na siyang lumalapit s