Julianna Ilang piraso na ng papel ang nilukot ko at itinapon sa basurahan ngayong umagang ito. Napa-frustrate na ako sa pag-iisip ng magandang pangalan para sa anak ko. Anim na buwan pa lang naman ang tiyan ko, at may ilang buwan pa na natitira bago siya lumabas pero bakit pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng oras? O masyado lang akong excited? I glanced at the ultrasound photo on the shelf. A girl. That's when it all started. This name game I've been losing. Naisulat ko na yata ang lahat ng pangalan pero walang pumasa sa panlasa ko. I've searched the web too just to find a perfect name for my baby girl but found none. Kapag kasi binibigkas ko, parang mali. Sobrang strange sa pandinig. Wala akong maramdaman. "There you are." Agad akong napalingon sa may gawing pintuan nang marinig k