Julianna Ayoko nang isipin kung papaano niya papalitan ang apelyido ko. I'm sure he's not going to adopt me. Hindi ganoon ang paraan na nasa utak ko, at ayoko nang humingi ng confirmation mula sa kanya kung tama itong nag-iisang way sa kung papaano niya iibahin ang apelyido ko. It gives me chills. Halos matanggal ko na ang mga kuko ko sa mga daliri sa kakakutkot dahil sa kaba. Pati ang mga dead skins yata ay nahila ko na. "Sino 'yong...kausap mo kanina?" That's not what I wanted to ask, but that's all I can manage as of the moment. "Mykolas." Lumingon sa gawi ko si Jercie saka naman biglang tumaas ang mga kilay nito. "Damn," bulong pa niya. Nagtataka akong tumingin sa labas ng bintana nang bigla nitong igilid ang sasakyan. Nang balikan ko siya ng tingin ay halos mapatalon ako sa gu