Julianna Hindi na ako nakipagtalo pa kay Jercie nang igiya niya ako patungo sa gate ng magarang bahay. Kahit kating-kati na akong tabigin ang braso niyang nasa may balikat ko, hindi ko ginawa. Sino ba ang maglalakas-loob na alisin ang braso niya kung hawak pa nito ang baril? Paano kung bigla niyang makalabit? Malapit pa naman ito sa may dibdib ko. Apat na lalaki ang nakatayo sa labas ng gate, na ngayon ko lamang napansin na nandito pala. Pare-pareho ito ng mga kausotan; black polo shirts at black slacks. Mga security guards siguro ni Mykolas ang mga ito. Sa pagkakatanda ko, gobernador iyon. Masyado yata akong naging okupado sa pagtatalo namin ni Jercie kanina, na hindi ko sila nakita. I wonder if they saw me pointing a gun at him? Or did they hear what Jercie said to me involving that