Julianna "Cheers to our newlyweds," saad ni Dane sabay taas sa kanyang hawak na wine glass. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko rito sa dining room--maging si Jercie na nasa tabi ko--habang mayroong malalapad na ngiti sa kani-kanilang mga labi. Ako naman ay medyo nakakaramdam pa ng konting hiya noong itinaas ko rin ang wine glass. I still couldn't believe it. Gano'n na lang ako kabilis bumigay sa kanya. At ni konting pag-aalinlangan ay wala akong naramdaman kaninang sabihin ko ang mga vows ko--hanggang ngayon. I married him without having a second thought. Parang tama ang lahat ng mga nangyari. Iyong pagtutol ko simula kaninang basta na lang niya ako isinama rito, wala na iyon sa akin ngayon. Iyong mali na naramdaman ko habang pinaplano namin ni Aljon ang kasal namin, hindi ko m