Chapter 64: Yulia

2182 Words

Julianna "Anong lugar ito, Jercie? Saan tayo papunta?" Alam kong nakabalik na kami sa Leiden subalit hindi ako pamilyar sa daang tinatahak namin ngayon. Kahit anong paglinga ang gawin ko upang suriin ang bawat dinaraanan namin, alam ko sa sarili ko na hindi ko alam kung anong lugar ito. Hindi ko mawari kung saan niya ako dadalhin. Hindi na niya pinasunod ang mga tauhan ni Dane nang makapasok na kami sa Leiden. Papadilim na rin ang paligid, at kahit gumabi na nang tuluyan, kabisado ko naman ang daraanan namin--iyon ay kung patungo kami sa bahay o sa mansiyon nila. Pero sa mga sandaling ito, hindi ko talaga alam kung saan kami papunta. Ayoko na sanang magtanong at hahayaan na lamang. Naisip ko na baka shortcut ito, pero napansin kong patarik na nang pararik ang daan--malamang ay paakyat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD