Julianna Hindi na ako hinayaang makabalik ni Jercie sa kung nasaan si Estelle. Hindi rin siya pumayag na sumakay ako roon sa sasakyan nila nang mapagpasyahan na naming umalis doon sa reception. Dito ako pinasakay ni Jercie sa sasakyan nito. Hindi ko na rin matanaw ang Cadillac na sinasakyan ng mga magulang niya at ng kapatid. Baka nakarating na ang mga iyon sa mansyon. Paniguradong sa mga sandaling ito, alam na ni Mrs. Esquivel na may kakaiba na sa amin ng stepson niya. Malamang ay nasabi na rin niya iyon sa asawa nito. At kung kokomprontahin nila ako, hindi ko alam kung papaano ko iyon haharapin. Ilalaban ko ba ang alam ko tungkol kay Aljon at Trinity? Sasabihin ko rin ba ang mga narinig ko noong nag-uusap silang mag-ina? Pero paano kung nakapagsumbong na iyon kay Aljon? "Jercie, paa