Julianna "Want some?" Jercie asks, showing me the slightly ripe tomato he just picked. "No, thanks." Tumango ito, hindi na namilit pa. Matabang ko siyang pinanood nang kinuskos nito ang kamatis sa tuwalya. Rinig na rinig ko pa ang malutong na tunog nang kumagat siya roon. Napabuntonghininga na lang ako. "Wala bang inorganic fertilizer 'yan?" Usisa ko makaraan ang ilang sandali. Kahit naman medyo iritado ako sa kanya, concern pa rin ako dahil baka bigla siyang malason dito. "It doesn't," aniya. "They don't use any chemicals on these--just organic fertilizer. Look." Tinuro niya ang lupa kung saan nakatanim ang mga kamatis. Hindi na ako nakipagtalo pa. Nakikita ko naman ang mga pinaghalong tuyong dahon at compost sa paligid. Sa hitsura ng lupa, malalaman mo nang natural--healthy--kay