Julianna Halos malibot ko na ang buong stable para lang mawala sa isipan ko iyong mga narinig ko. Ginawa ko ring abala ang sarili ko sa pagkuha ng mga larawan sa mga kabayo at isinend sa kaibigan ko. Mabuti na lamang talaga at nakinig ako sa usapan nila dahil kung hindi, magmumukha akong tanga sa paningin ni Jercie. Nang mapagod ako sa kakalakad at maumay si Valerie sa mga pictures na ipinapadala ko gamit ang isang messaging app ay napagpasyahan ko nang bumalik sa may bungad nitong lugar. Namataan ko kaagad ang dalawang tao na mayroon nang distansiya sa isa't isa. Si Claire ay nakaupo sa harapan ng wooden table, kung nasaan ang mga dala nilang pagkain, habang si Jercie naman ay nasa harapan ng isang stall, hinahaplos ang isang itim na kabayo. Parang walang nangyaring pag-uusap sa kani