Julianna Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako sa inaakto ni Aljon ngayon. Hindi ba dapat ay galit ito sa akin kung alam na niya ang nangyari rito noong wala siya? Pero bakit ganito siya ngayon? Bakit alalang-alala ito sa akin? Hindi pa niya alam kung papaano ililihis ang mga manggas ng suot kong t-shirt upang masigurado lang na hindi ako sinaktan ni Jercie. Pati ang mga binti ko ay tiningnan pa nito. At hindi ko malaman kung ano ang ire-react ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko siyang sawayin dahil halos hubaran na niya ako, subalit hindi ko iyon magawa. Sobra akong naguguluhan sa ipinapakita nito sa akin ngayon. "Julianna, kung may ginawa ang lalaking iyon sa'yo o sinabi, you can tell me, okay? Huwag kang matakot." Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko na hindi ko nailagan. Il