Julianna "What can you say about this style, hija? Do you prefer this kind of gown?" Magiliw na tanong ni Estelle habang nakaturo sa wedding gown na suot ng isang modelo sa catalogue na tinitingnan namin. "Kahit anong klase po ng gown ang isuot ko, ang importante po ay maikasal kami ni Aljon." Sinubukan kong gawing makatotohanan at taos sa puso ang tinig ko, subalit hindi sumang-ayon sa akin ang boses ko. Marahil bumakas na rin na labag sa loob ko ang mga sinabi ko dahil biglang tumitig sa akin si Estelle nang walang ngiti. Parang sinasabi ng mga mata nito na galingan ko pa ang pagsisinungaling. Pero makaraan naman ang ilang sandali ay muling gumuhit ang pekeng tuwa sa buong mukha nito, at saka tumingin sa mga staff nitong wedding gown shop na nakadalo sa amin. "Kapag nga naman mahal