Julianna Katulad ng sinabi ni Jercie, umalis din ito matapos makuha ang mga gamit na kinukuha niya. Hindi ko man mismong nakita ang pag-alis nito, nakasalubong naman namin ni Aljon ang ilang kasambahay na may kanya-kanyang dalang gamit—na sa tingin ko ay pag-aari ni Jercie--noong pumasok na kami sa loob nitong bahay. I was tempted to barge into his room to talk to him. Pinigilan ko lamang ang sarili ko dahil sa tingin ko ay hindi na kailangan. Mukha namang wala na itong pakialam dahil kung mayroon pa, siya naman mismo ang kakausap sa akin. Sa mga linggong lumipas, dapat ay gumawa na siya ng paraan. Ilang beses ko ba siyang sinubukang tawagan hanggang sa ma-realize ko na ayaw naman nito akong kausap? Sigurado naman din akong nakarating sa kanya ang balita tungkol sa plano namin ni A