"Hi, Miss Ganda. Puwede po bang maupo sa tabi mo?" "Yeah, sure. How old are you, kiddo?" "Six years old po. Ang ganda mo po. May asawa ka na ba?" "Bakit crush mo ako?" nakatawa niyang tanong. Naaliw siya sa batang nasa harapan niya. He resembles someone but she didn't say out loud. "Not me but for my Daddy because he is single po." "And where is your Mom?" Kaso naalarma siya dahil biglang nalungkot ang batang lalaki na biglang sumulpot sa tabi niya. Idagdag pa ang naluluha nitong mata. Bata pa lamang ngunit nandoon ang malalim na lungkot. "She's gone po. Namatay po siya sa car accident when I was three. Mula noon ay lagi na kaming malungkot ni Daddy." Naiiyak nitong pagkukuwento. Dahil dito ay niyakap niya ito lalo at nag-unahang naglandas ang mga crystal sa pisngi nito. "Shhh, it