One week later... Kagaya nang napagkasunduan nila ay bumalik sa Baguio si Josh. Siya ang muling kumausap sa mag-amang Justin at Jake. Dahil ang tatlo ay iba ang ginagawa. "Jake, kaya mo na bang bumiyahe?" tanong niya. "Yes, Kuya Josh. Kahit nga sa gym ay nakabalik na ako." Ngiting-ngiti pa ito. Halatang excited ding makita at makilala ang proper bloodline. "Very good, Jake. Pero huwag mong ipuwersa ang sarili mo in doing heavy. Bala ang tumama sa likuran mo. By the way, are you ready for your meeting with our Dad? Hindi pa namin naipagtapat sa kaniya ang tungkol sa inyo ni Justin ngunit on the move ang tatlo upang kausapin sina Mommy at Samantha," pahayag ni Josh. "Nag-aalala ako sa Mommy ninyo, Kuya. Baka kung ano pa ang mangyari. Wala akong ibang intensiyon kundi makilala at makalap