Later that evening... "Daddy, pupunta po ba tayo sa party? You and I look so gorgeous Tonight on our tuxedo attire." Tingala ni Justin sa ama. "Yes, son. Tonight we will meet your Lolo and Lola as well as your cousins and other family members." Nginitian ito ni Jake. "Wow! Talaga po, Daddy? Yehey! May makakalaro na ako at mayayakap ko na ang bago kong Lolo." Tuwang-tuwa pa ito na hindi maipagkakailang sabik ding makilala ang ibang members ng angkang pinagmulan. Excited! Tama, excited silang mag-ama. Dahil kahit siya ay hindi niya mapigilan ang kabahan sa unang pagkikita nilang mag-ama. Makikilala niya ang iba pang membro ng pamilya nila na sa pahayagan at TV lamang niya nakikita dahil sa larangan ng pagnenegosyo. "Let's go, brother. Tumawag si Dark at kumpleto na ang lahat. Tayo na la