Sinikap ni Cassy na kumawala sa mahigpit na yakap at halik ng binata ngunit wala siyang kalaban-laban sa lakas nito. Kaya't imbes na manlaban siya ay hinayaan na lamang niya ito. Ngunit kung kailan nagpaubaya siya ay saka naman nagbago ang marahas nitong paghalik. Naging mapagmahal at banayad na at hindi naglaon ay nag-iba ang lasa ng labi nito. Kasabay nang pagbanayad nang halik nito ay naramdaman niya ang pagyugyog ng balikat. Naisip tuloy niya kung bakit ito umiiyak samantalang nanlilisik ang paningin wala pang isang oras ang nakalipas. Unti-unti rin itong humiwalay at dumistansiya sa kaniya kaya't kitang-kita niya na umaagos ang luha sa pisngi nito. Bugso ng pagmamahal niya rito ay kusang gumalaw ang palad niya. Pinunasan niya ang luha nito gamit ang palad niya. Ngunit muli naman siya