Nauna itong bumaba sa chopper. Kaso imbes na alalayan siyang makababa ay hinila pa siya. Kamuntikan tuloy siyang mabuwal. Mabuti na lamang at naagapan siya nito. Ngunit sa halip na ibaba siya ay niyapos siya nito at nagpatuloy sa paglalakad. Okay sana kung in a bridal style kaso patayo siya nitong niyapos. "Ibaba mo na ako baka madapa pa tayong dalawa!" malakas niyang wika. Tumigil nga ito sa paglalakad ngunit mabilis naman siyang hinalikan sa labi. Ito ba ang isang attitude ng mga Montemayor? Sala sa init at sala sa lamig ang pinakamamahal niyang si Delta Montemayor. Kanina ay parang lalamon ng buhay, ngayon naman ay nakangisi sa kaniya. Sa ngisi nito ay parang walang nangyari. Aba'y masakit kaya! Kay sarap-sarap nitong sakalin! Pero saka na lang, kapag susumpungin ay alam na niya ang l