Mangiyak-iyak si Cassandra habang hinihintay ang ang sasagot sa tawag niya. Iniisip pa lamang niya na mag-aasawa na ang bunso niyang anak ay parang pinipiga na ang puso niya. Biyente anyos pa lamang ito, halos katatapos lamang sa pag-aaral. Ngunit ang pag-aasawa na ang nasa isipan. "Yes, it's me. Mrs. Cassandra Montemayor. Yes, I want to talk to my son, Daniel Axel. Okay, thank you," aniya sa kausap sa telepono. Ilang sandali rin ang hinintay niya bago nai-forward sa anak niya ang tawag. "Anak, alam mo ba ang ginagawa mo? Hindi naman kami tututol ng Daddy mo kung gusto mong makipagrelasyon dahil karapatan mo iyan. Ngunit ang pag-aasawa ay hindi biro, anak. Napakabata mo pa upang suungin---" napakabata mo pa upang suungin ang mundo ng may asawa. Nais sana niyang sabihin ngunit pinutol na