Kinabukasan, nagising si DA na wala na sa tabi niya ang dalaga kaya't agad siyang napabalikwas upang hanapin ito. Natagpuan niya itong naglalakad sa sala, halatang nahihirapang lumakad. Pinagmasdan muna niya ito habang naglalakad. Bukod sa nabibilang ang paglakad nito ay nakakapit pa sa dingding patunay lamang na talagang nahihirapan sa paglakad. Kaya't nilapitan niya saka binuhat at dinala sa sofa. "Okay ka lang ba, Honey?" tanong niya ngunit hindi ito sumagot bagkus ay tumango ngunit umaagos ang luha. "Honey, bakit ka umiiyak? Galit ka ba sa akin dahil sa kapangahasan ko kagabi? I love you, Honey." Kinakabahan man siya sa maari nitong isagot ngunit hindi niya ipinahalata. Umiling ito saka siya hinarap at yumakap ng mahigpit. Ibinaon pa ang mukha sa kaniyang leeg. Hinayaan lamang niya