JACOB POV MATAPOS ang pag-uusap namin ni Lei. Umuwi agad ako sa bahay. Nagulat ako ng makitang umiiyak si Mommy. “Anong nangyari Mom?” Tanong ko pagkalapit ko sa kaniya. “Wala to anak. Nagpaalam sakin si Lei may out of town sila ng mga friends niya kaya wala muna siya dito sa bahay.” Sagot niya sakin. “Alam mo anak. Halos hindi na makahinga sa pag-iyak si Lei kaninang magkausap kami. Ngayun ko lang siya nakitang ganun. Parang ang laki ng problema niya. Hindi naman niya masabi sakin. Alam mo naman na masyadong malihim si Lei kahit na sakin. Ang batang iyon talaga. Laging nagpapasalamat sakin na natural lang bilang ina na iparamdam ko sa kaniya na mahal ko kayong mga anak ko.” Mahabang paliwanag ni Mom. Tumingin sakin si Mom. “Mabuting bata si Lei anak. Hindi niya ako binibigyan ng