LEI POV "LEI, are you with me?" Joaquin asked. Nagulat ako ng bahagya. Inayos ko ang sarili at tinignan siya. "Yeah. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Napailing siya at ngumiti. "Kanina pa ako nagsasalita but you're not listening." He said. Napahilot ako ng batok. "I'm sorry ang dami ko kasing iniisip." "Care to share?" Umiling ako at ngumiti. "This is not important." Pagkatapos namin maglunch ay hinatid niya ako sa Office. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ngumiti ako kay Joaquin. "Thank you sa libreng lunch at paghatid sa akin." He smile. "Don't mention it. Alis na ako. Kapag kailangan mo ako Just text me." I nodded.. sumakay na siya ng kotse at umalis na. I wave my hand. Nang nawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob. Sumalubong sa akin si Nadine na nakabusangot.