Chapter 5

1635 Words
LEI POV INAYUSAN na ako ng hinire ni Mommy Althea na mag-aayos sa akin. Ready na ako at any minute ay magsisimula na ang Birthday Celebration ko. Hindi alam ni Arianne ang gagawin kaya pinakalma ko muna siya. Mas excited pa sa akin si Ari kaya hinayaan ko lang siya. Thankful ako dahil sa kabila ng ibang pagtrato sa akin ni Jacob. Lagi nandyan si Ari para sa akin. Mabuti na lang at may Arianne akong kaibigan at kapatid. Hindi niya ako pinakitaan ng masama at lagi niya ako inuuna sa lahat ng bagay. Maraming nagawa para sa akin ang Pamilya Manzano. Kaya sobrang saya ko dahil napunta ako sa pamilyang ito. “Relax ka lang Ari..” Ani ko habang natatawa. Sumimangot si Arianne. “Excited ako para sayo Lei. Kaya gusto kong maging perfect ang gabing ito para sayo. At sisiguraduhin kong walang makakasisira. Kahit si Kuya pa iyon.” Aniya. Bigla kong naalala si Jacob. Napahawak ako sa labi ko. Hindi ko makalimutan ang halik na ginawa sa akin ni Jacob. Nang matapos niya ako halikan. Umalis na lang siya ng walang salita. Naguguluhan na ako sa inaasta ni Jacob. Para saan ba ang halik na iyon. Hindi ko na siya maintindihan. Wala siyang sinasabi sa akin para may idea man lang ako. May gusto na ba siya sa akin? Imposible naman dahil alam naman naming pareho na mahal niya si Zhaira. Winaksi ko ang hindi magandang nasa isip ko. Dapat lang na ienjoy ko ang gabing ito. Sinamahan ako ni Arianne ng matapos ako. Kinakabahan ako sa kalalabasan ng gabing ito. Si Dad ang nagsalita at nagpakilala sa akin. Kulang na lang at maiyak ako sa sobrang sayang nararamdaman ko. “Please welcome our Daughter Angelie Colt.” Dad said. Bumaba ako sa stairs habang nakatutok sa akin ang Spot light. Ngumiti ako sa mga bisita at napunta ang paningin ko kay Jacob. Pinagmamasdan niya ako hanggang sa napukaw ang atensyon ko ng muling magsalita si Dad pagkababa ko. Inalalayan ako ni Dad. Nasa tabi niya ako at ngumiti sa kaniya. Nagbigay ng hudyat si Dad kaya nagsimula na rin ang debut ko. Lahat ng malapit sa akin ay nagbigay ng message sakin. Naluluha ako habang pinapakinggan sila. Lalo na kay Mommy Althea na walang ibang ginawa kundi ang maging ina sakin. Binigyan ako ni Ari ng tissue at pinunsan ang luha. Natutuwa ako dahil kahit wala na akong magulang. Marami pa din ang nagmamahal sakin. Akala ko ay di na mangyayari pa ang araw na ito. Ang saya-saya ko. Nung eighteen roses na sila Marco, Calvin, Nathan at Steve ang sinayaw ako. Hindi rin nagpahuli si Dad. Marami sinabi sakin si Dad na siyang nagpaiyak sakin. “I'm lucky anak dahil nung mga panahong down ako at nawalan ng saysay na mabuhay. Tyaka ka dumating sa buhay ko. Akala ko hindi ko na mararanasan pa ang maging ama at nang dahil sayo. Nagkaroon ako ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay kahit wala na noon ang Mommy Althea mo. Ikaw ang Lucky charm ko. Ikaw ang naging dahilan para makita ko ulit ang mag-iina ko.” Niyakap ko ng mahigpit si Dad. “Ako ang Lucky dad kasi napunta ako sayo. Ikaw ang tumanggap sakin nung nawala na ang magulang ko. Kahit na hindi tayo magkadugo. Tinuring mo ako bilang anak. Thank you dad sa lahat ng sacrifice mo para sakin. Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng mabuting ginawa mo sakin at ni Mommy Althea. Masaya ako dahil binigyan niyo ko ng dahilan para magkaroon ng buong pamilya.” Sabi ko habang umiiyak. Pinatahan na ako ni Dad. Biglang tumigil ang music. Akala ko ay tapos na pero hindi pa. Nagulat ako ng makita si Jacob papunta sa direksyon ko. Natulala ako sa kagwapuhan niya. Jacob give me the rose. He hold my hand. Lumakad kami papunta sa gitna. Itinaas niya ang kaliwang kamay niya. Ngumiti siya sakin at ganun din ako sa kaniya. Itinapat ko ang kaliwang kamay sa palad niya. Sinimulan na namin ang sumayaw. Hindi ko mapigilan ang kiligin sa mga oras na ito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Nakatitig lang ako kay Jacob the whole time. Para akong nasa Alapaap. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko ngayun na kasayaw ko si Jacob. Masayang-masaya ang puso ko dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na maisayaw ang taong mahal ko. Hanggang sa matapos ang song. Inalalayan niya ako sa pag-upo at umalis na. Sinundan ko siya ng tingin. Katabi niya si Zhaira. Ibinaling ko agad ang tingin sa ibang direksyon. Nagbaba ako ng tingin. Nagsimula na rin kaming Kumain. “Nag-enjoy ka ba anak?” Mommy althea asked. Ngumiti ako sa kaniya. “Yes Mommy, Super saya ko. Lalo at nandito mga importante sa buhay ko.” Mom smiled at me. “Good to know anak. Masaya kami ni Sean kapag nakikita ka naming masaya. Yun lang ang gusto namin ng Daddy mo.” “Thank you Mom for everything.” Mom pat my head. “Anything for you Iha.” Nakita kong nag-uusap si Zhaira at Calvin. Tingin ko ay nagtatalo sila. Napansin ko rin si Jacob na pinagmamasdan sila. Iniwan ni Calvin si Zhaira. Biglang tumayo si Jacob. Nilapitan niya si Zhaira at niyakap. Eto na naman ako. Nasasaktan dahil nagmahal ako sa maling tao. Hindi rin nagtagal ay iniwan muna ni Zhaira si Jacob. Nakita kong tinulak ni Jacob ang door kaya tumayo na ako para sundan siya. Tinawag ko si Jacob. Hindi niya ako nilingon. Lumapit ako sa kaniya. Humarap sakin si Jacob. Niyakap ko siya ng mahigpit. Wala ako makitang ano mang emosyon mula sa kaniya. Hindi siya gumalaw kaya nasaktan ako. Titig na titig lang sakin si Jacob. “May sasabihin ka ba?” Tanong niya. “About the kiss.” Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kaniya. “What about the kiss? Huwag mo sabihin sakin na binibigyan mo ng meaning ‘yun.” Umangat ako ng tingin para tignan si Jacob. “Wala bang meaning ‘yun para sayo Jacob? Then Why did you kiss me?” I asked. Jacob just laugh at me. “It's nothing Lei. So wake up. Huwag mo bigyan ng malisya lahat ng ginagawa ko sayo because it's just part of my plan.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makapaniwala na parang wala lang yun sa kaniya. Kaya ba kapag kami lang dalawa ang bait-bait niya sakin. Yun pala plano niya lang iyon para saktan ako. Ipamukha sakin na kaya niya ako paikutin. Naluha-luha ko siyang hinarap. Hindi ko na siya kayang harapin o matitigan man lang kaya umalis na ako. Tumakbo ako palayo sa kaniya. Dumaretso ako sa Garden kung saan walang tao. Doon ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi ko napansin ang lalaking lumapit sakin. Inabutan niya ako ng Panyo. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko. “Don't worry, it's clean hindi ko pa ‘yan ginamit.” He said. Kinuha ko iyon at pinahid ang luha ko. “You're the celebrant Right? So why are you here?” Hinarap ko siya. “Bigla kasing sumama pakiramdam ko kaya dito muna ako para lumanghap ng sariliwang hangin.” Sagot ko at umiwas ng tingin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sumama ang loob ko kay Jacob dahil sa mga sinabi niya sa akin. “You look sad. Di ba dapat maging masaya ka kasi nandito ang Family mo. To celebrate your special day.” Gusto kong mainis sa lalaking to kasi ang dami niyang napapansin. I let out a deep breath. I face him and answer his question. “Happy ako, ‘Yun ang Totoo.” Natawa siya ng bahagya. Kumunot ang noo ko. Tumigil na rin siya at sumeryoso din. Masyado ba akong halata? “Kung ano man ang pinagdadaanan mo. Hindi ka naman nag-iisa. Marami ka mang problema, ang mahalaga kasama mo ang mahal mo sa buhay. Maging Thankful ka kasi may pamilya ka pang matatakbuhan. Unlike me, wala ng Ina. Wala ng kumpletong pamilya.” Aniya. Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi niya. Hindi lang pala ako ang ganito. Atleast, kahit papaano ay nasa pamilya ako na tanggap at mahal ako. Hindi nagkulang sakin si Dad at Mommy Althea. “Tingin mo ba makakahanap ako ng taong tanggap ako?” tanong ko sa kaniya. “Why not? Maganda ka. Tingin ko naman mabait at galing ka sa desenteng pamilya. Maraming magkakagusto sayo.” Ngumiti ako sa kaniya. “Pero bakit hindi niya ako makuhang mahalin.” Mahina kong sabi. “Nakikita mo yang mga bituwin?” Tumango ako kasabay ng pagtingala. “Para kang stars. Kumikinang ka sa Ganda pero never ka nag-iisa. Maraming katulad mo at gustong-gusto ka pagmasdan. Kung hindi ka ma-appreciate ng taong gusto mo. Marami pa naman iba diyan.” Aniya. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Natigilan siya pero kalaunan ay ngumiti sakin. “Mas kumikinang ang Ganda mo kapag naka smile ka.” Sabi niya. Nahiya naman ako sa kaniya. Ngayun lang ako naglabas ng hinanakit sa taong hindi ko kakilala. “Thank you.” Ani ko sa kaniya. He just smiled at me. Nag-paalam na rin siyang umalis. Nakalimutan ko tanungin pangalan niya. Sayang, pero may next time pa naman. Humahangos na tumakbo papalapit sakin si Ari. “Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. Balik na tayo doon. Hinahanap ka na ni Dad.” Tumango ako kay Ari at nauna na sa kaniya. Humabol sakin si Ari. Pinapunta nila ako sa gitna kung nasaan ang Cake ko. Kinantahan nila ako hanggang sa matapos. Pumikit ako para mag-wish. Nagblow ako ng Candle at lahat sila ay pumalakpak. Sana matupad yung wish ko. Ang makalimutan na ang feelings ko para kay Jacob. Simula ngayun, susubukan ko na talagang iwasan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD