LEI POV
IT'S my special day today. I'm celebrating my eighteenth birthday today. Daddy Sean and Mommy Althea busy preparing my debut to be perfect.
Their want me to be happy. I already made it clear to them that I only want a simple celebrating only with them, My family.
Hindi pumayag si Dad at gusto niya na maging maganda at bongga ang debut ko which is inapprove din ni Mommy Althea.
Arianne and Me was assigned to choose the best and perfect Gown na gagamitin ko.
Kanina pa kami dito sa shop ni Tita Rea. Kahit na ako ang may Birthday si Arianne ang aligaga na pumili para sa akin.
Pinagmamasdan ko lang siya at kahit si Tita Rea ay hindi na alam ang gagawin sa dami ng suggestion at opinion ni Arianne sa mga gowns.
“What do you think of this Lei? I think bagay to sayo.” Aniya habang nakangiti.
Pinagmasdan ko ang pinakita niya hanggang sa magdecide kami na yun na ang susuotin ko.
Nakahinga naman ng maluwag si Tita Rea. “Thank goodness. Mga eight in the morning na kayo nakarating dito tapos five ng hapon na kayo natapos mamili. Maloloka na ako sa inyo.”
Nagpeace sign si Arianne kay Tita Rea. “Sorry Tita. Ang dami kasing pagpipilian. Gusto ko na tama at magugustuhan din ng family namin ang gagamitin ni Lei. Once in the life time lang kasi mangyayari to sa buhay ng isang katulad namin right. Hindi mo ako masisi tita kasi magagalit sa akin si Mommy kapag magkamali ako.”
Nag- agree naman si Tita Rea. Umuwi na kami ni Ari at sinalubong kami nila Dad.
“Don't worry na Dad and Mom. Okay na ang lahat.” Masaya si Daddy At Mommy.
“Ready na ang lahat Iha.” Lumapit sa akin si Mommy althea at yumakap.
“Thanks Mom. I can't do all of this without all of you. Thank you so much.” Nakangiti kong pasasalamat.
“Lahat gagawin namin para sayo Lei.” Nag- group hug kami.
Dumating si Jacob. Naguguluhan pa siya sa nangyayari. Kinausap ni Dad si Jacob.
Dad wants Jacob to be my Escort. Hindi ko lang alam kung papayag ba siya o hindi.
Hindi ko na tinatanong pa kay Dad dahil baka madisappoint lang ako. Medyo matagal na rin kaming hindi nag-uusap ni Jacob. Umiiwas ako sa kaniya dahil hanggang ngayun ay masama pa din ang loob ko sa kaniya.
Hindi na bali, ang importante ay kahit papaano ay nagkaroon ako ng masayang memories na kasama si Jacob.
Nagpaalam ako kay Mommy Althea na may pupuntahan lang ako. Mabuti na lang at pumayag siya.
Pagkarating ko sa Garahe. Laking gulat ko na nandoon si Jacob. Nakakunot pa ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ako.
Hinihintay ko si Marco dahil pinakiusapan ko siya na samahan ako sa SamNiel's Cafe. At balak ko rin sabihin sa kaniya na Samahan ako sa Cemetery. Gusto ko makausap ang magulang ko.
“Where are you going?” He asked me. Tumingin ako sa kaniya at sinagot siya.
“Magkikita kami ni Marco. May pupuntahan lang kami.” Nag-uuyam na tumawa si Jacob.
“Don't Tell me may relasyon kayo ni Marco. Sa lahat ba naman na dapat mong patulan si Marco pa. Sinong next na lalandiin mo.” Aniya sa akin.
Hindi na ako nagulat na ganito ako pagsalitaan ni Jacob pero hindi ko mapigilan ang masaktan. Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin. Lahat ng lalaki na malapit sa buhay ko, dapat bigyan niya ng meaning.
Hindi ba pwedeng mag-kaibigan lang kami. Nag-uulap ang aking mga mata. Pinigilan ko ang maluha sa harap niya.
Lalagpasan ko na sana siya ng pigilan niya ako. Masama ko siyang tinignan.
“Kung wala kang matinong sasabihin Jacob. Pwede ba lubayan mo ako. Hindi ako natutuwa na kaharap kita. Wala ka ibang ginawa kundi ang saktan ako. Kulang pa ba na lagi na lang ako mag- aadjust para sayo. Halos lumaki na ako sa pamilyang to pero kung umasta ka sa akin. Parang ginusto ko ang lahat ng ito. Huwag ka mag-alala kapag nakausap ko si Dad. Aalis din ako dito dahil pagod na ako intindihin ka.” Galit kong pahayag.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Umalis na ako sa harap niya. Mabuti na lang at saktong kakarating lang ni Marco.
Pumasok agad ako sa Kotse niya. Nakita ni Marco ang kalagayan ko kaya binigyan niya ako ng tissue.
“Thank you.” Ani ko sa kaniya.
“Nag-away na naman ba kayo ni Jacob?” Tanong niya. Bahagya akong natawa.
“Masyado bang Obvious?” Natatawa kong sabi.
Napabuntong-hininga si Marco.
“Hindi na matapos-tapos ang bangayan niyong dalawa. Ano ba ang kasalanan mo sa kaniya at ikaw na lang lagi ang trip niya. May pinatay ka ba Lei kaya ganito na lang siya magalit sayo.”
I let out a deep sigh.
“I don't know anymore Marco. Parang ang bigat ng kasalanan ko sa kaniya para lagi niya ako insultuhin or laging magalit sakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Jacob. Kahit ganun, hindi pa din ako sanay sa trato niya sa akin. Umaasa kasi ako na sana dumating yung araw na magiging okay din kami ni Jacob. Sa ngayun, malabo pa.” Sumang-ayon naman si Marco.
“Don't worry Lei, From now on. Ipagtatanggol kita kay Jacob. Hindi na tama ang ginagawa niya sayo. Babae ka at dapat lang na irespeto. Kung hindi ka niya binibilang bilang anak ni Tito Sean. Atlest man lang irespeto ka niya bilang ikaw.” Muli akong nagpasalamat kay Marco.
Mabuti na lang at nagkaroon ako ng kaibigan na maaasahan sa katahuan ni Marco.
Nakarating din kami ni Marco sa SamNiel's Cafe. Inutusan kasi ako ni Dad na bigyan ng invitation si Tito Zack at Tita Samantha. Sa sobrang busy kasi ni Dad nakakalimutan niya magbigay ng invitation para sa mga kaibigan niya.
Bilang wala naman ako halos ginagawa. Ako na ang nagprisinta. Pumayag naman si Dad.
“Thank you Lei.” Sabi ni Tita Sam. Ngumiti ako at ganun din siya.
“Welcome Tita. Aasahan ko kayo sa birthday party ko tita. Magtatampo ako sa inyo ni Tito Zack kapag di kayo makarating.” Ani ko. Natawa naman ng bahagya si Tita Sam.
“Don't Worry Lei. Pupunta kami sa special day mo. Hindi namin ito papalagpasin. Hindi ka na iba sa amin. Nakasubaybay na kami ng Tito mo sa paglaki mo. At ngayun dalagang-dalaga ka na talaga. Bibigyan mo na ng sakit sa ulo ang Dad mo.” Hindi ko mapigilan ang matawa.
“Priority ko ang pag-aaral ko Tita. Minsan na ako nagkamali kaya hindi na iyon mauulit. Ayokong madisappoint sa akin si Dad.” Sagot ko.
Nagpasalamat ako kay Tita Sam. Aalis na sana kami ni Marco ng masalubong namin sa pinto si Jacob kasama niya si Zhaira.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lagpasan sila. Narinig ko ang pag-greet ni Zhai kay Marco.
Nauna na ako sa Car. Sumunod naman si Marco at binalingan ako.
“Hindi mo man lang pinansin si Zhaira.” Tinignan ko sandali si Marco at ibinalik din ang tingin sa harap ko.
“Wala akong panahon na makipag-plastikan sa kanila.” Sagot ko.
Hindi makapaniwala si Marco sa sinabi ko. “Huwag mo idamay si Zhai sa gulo niyo ni Jacob. Labas siya dito Lei. Tyaka kahit kailan hindi ka pinakitaan ng mali ni Zhaira para iignore mo siya.”
Tama si Marco. Hindi ko dapat dinadamay si Zhaira sa amin ni Jacob. Hindi ko kasi mapigilan itong nararamdaman ko. Selos na selos kasi ako kapag nakikita ko siyang kasama niya si Jacob.
Kahit na kaibigan lang ang turing ni Zhaira kay Jacob. Hindi iyon ang tingin sa kaniya ni Jacob kaya masakit para sa akin na matanggap na kung papipiliin si Jacob. Malamang na si Zhaira ang gugustuhin niyang makasama.
Ano ba ako kay Jacob. Malamang isang taong sampid lang sa pamilya niya na dapat hindi pinaglalaanan ng oras. Pagmamahal at pag-aaruga.
Hindi ko maiwasan ang maluha. Inisip ko tuloy mga nasabi ko kay Jacob. Ayokong umalis at iwan ang nakagisnan kong pamilya kaya pag-iisipan kong mabuti kung tama ba na lumayas ako at huwag ng magpakita pa sa kanila.
Tutal ay ilang araw na lang magiging legal age na ako. Pwede ko na magawa ang lahat ng gustuhin ko na walang nakakaistorbong ibang tao.
Nakarating kami ng ligtas sa house ni Marco. We say our goodbyes. Bukas ng umaga ko balak pumunta sa cemetery. Sigurado kasi ako na busy na naman ang mga tao dito kaya hindi nila mapapansin ang pag-alis ko.
Magpapaalam din ako kay Dad para kahit papaano ay alam niya kung nasaan ako.
Papasok na sana ako sa Room ko ng Bumukas ang kaharap kong kwarto.
Masama ang tingin sa akin ni Jacob. Hindi ko na maintindihan ang isang to. Palagi na lang ganito ang tingin niya sa akin. May nagawa na naman ba akong mali?
Hinaklit niya ang kamay ko ng tatalikod na sana ako sa kaniya.
“Ano ba Jacob.” Inis kong sabi.
Hindi siya nagsalita, sa halip ay tinitigan ako ng matagal. Itutulak ko na sana siya ng halikan niya ako ng mariin sa labi ko.