LEI POV
AFTER ng nangyari. Nalaman ko kay Ari na talagang may girlfriend si Guian pero matagal na raw silang hiwalay. Gustong makipagbalikan sa akin ni Guian pero di na ako pumayag. Nag-explain sa akin si Guian pero mas naniniwala ako kay Jacob.
Hindi siya magsisinungaling sa akin lalo na't gustong gusto ni Jacob na masaktan ako.
Totoo man o hindi. Nasaktan pa rin ako at ayoko ng maulit iyon. Tinanggap ko na din na wala ng seseryoso sa akin.
Ayoko na din maniwala na Love Exists. Puro sakit lang naman ang nararamdaman ko kapag nagmamahal ako.
Pauwi nasa ako ng may humintong kotse sa harap ko.
“Get in.” Sabi ni Jacob.
Nag-aalangan ako kung sasama ba ako sa kaniya o hindi. Sa tagal ko nag-iisip naiinip na si Jacob.
Binulyawan niya ako kaya napilitan ako sumakay. Sa backseat ako naupo. Tinignan ako ni Jacob.
“What do you think of yourself? Hindi mo ako Driver!” Aniya. Napairap ako at lumabas ng car. Pinagbuksan ako ni Jacob sa Frontseat.
Pumasok na ako at umalis na kami. Habang nagba-byahe. Napansin ko na hindi ito ang daan pauwi sa bahay.
“Teka saan tayo pupunta?” Ani ko sa kaniya.
“Pwede ba manahimik ka na lang.” Sagot niya. Hindi na ako nagsalita pa at tumahimik na lang.
Pumunta kami ng Mall. Nakasunod lang ako kay Jacob hanggang sa huminto kami sa Arcade.
“Ano panghinihintay mo?” Aniya sa akin. Nanlaki ang mata ko.
Napangiti ako at excited na pumasok sa loob. Bumili si Jacob ng maraming tokens..
Marami kaming sinubukan na laro. Nakita ko ang cute na stuff toys sa Claw machine.
Sinubukan ko kunin ang Star pero kahit anong try ko lagi na lang nabibitawan.
“Tabi..” Simpleng sabi ni Jacob. Gumilid ako at siya ang pumalit sa akin.
Isang beses palang sinubukan ni Jacob. Nakuha agad niya. Ibinigay niya sa akin ang Stuff toy na Dog.
Gusto ko sana yung star pero dog naman itong nakuha ni Jacob. Hindi na ako umangal dahil ito ang first time na may binigay sa akin si Jacob. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.
“Thank you. ” Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.
Hinawakan ni Jacob ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang.
Ngumiti siya sa akin na siyang nagpatigil ng mundo ko. Pumasok kami sa Photobooth.
Nagready na kami ni Jacob. Nagposing na kami at Sunod-sunod na click ng camera. Ang nagpagulat sa akin ang di sinasadyang paghalik namin sa isa't-isa. Saktong magkaharap sana kami ng mangyari iyon.
Napatakip ako ng bibig. Yun ang first kiss ko! Ngumisi si Jacob at tumingin sa harap namin..
Todo ang smile niya. Hindi ko na lang pinansin at kumuha pa kami ulit ng ilang pictures na magkasama.
Pagkatapos ng photobooth. Kinuha ni Jacob ang ilang copy ng pictures. Tinignan ko ang natira sa akin. I-keep ko sana yung di sinasadyang kiss namin pero yun pala ang nakuha ni Jacob.
“Let's Go.” Aniya sa akin. Medyo malayo siya sa akin kaya tumakbo ako papunta sa kaniya.
Masasabi ko na ito ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
Dumaretso kami sa SamNiel's Cafe. Nakita namin sila Marco, Calvin at Zhaira.
Lumapit agad si Jacob kay Zhaira. Nasaktan ako dahil nakita lang ni Jacob si Zhaira siya na ang kasama nito.
Inaya kami ni Zhaira na kumain. Nakaready na ang pagkain sa table. Naupo na kami. Sa tabi ni Zhaira ang dalawang lalaki.
Si Marco ang katabi ko.
Tahimik lang ako hanggang sa basagin ni Zhaira ang katahimikan.
“Saan mo nakuha yan Lei? Ang cute naman niyan.” Aniya sa hawak kong Stuff toy.
“Bigay to sakin ni-” Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ng magsalita si Jacob.
“Hindi naman cute yan.” Sabi ni Jacob. Hinampas siya ni Zhaira.
“Anong hindi? Kamukha mo nga eh.” Pang-aasar ni zhai.
“Hindi ako Cute. Gwapo ako.” Proud na sabi ni Jacob.
Nagtawanan sila at ako naman ay tahimik lang.
“Gusto mo ba yun?” Tanong ni Jacob kay Zhai.
Tumango si Zhaira at ngumiti kay Jacob. “Bibilhan mo ba ako?”
Tanong niya. Sumagot agad si Jacob.
“Oo para sayo.” Aniya. Nagpaligsahan sa harap ni Zhaira si Calvin at Jacob.
Kinuha ni Jacob ang Stuff toy sa akin. At binigay kay Zhaira.
“For You..” Inabot niya kay Zhaira. Nagtaka naman si Zhaira.
“Teka kay Lei ito.” Aniya.
Umiling si Jacob. “Para sayo talaga yan.”
Masayang Tinanggap naman ni Zhaira. Aangal na sana ako pero tinikom ko ang bibig.
Pinilit ko huwag maiyak. Yung tanging alaala ko sana kay Jacob nawala pa. Akala ko pa naman ay para talaga iyon sa akin.
Nang matapos kaming kumain. Nagpatake out si Jacob ng cupcakes. Ako na ang nagbitbit hanggang sa makauwi kami.
Walang ganang pumasok ako sa loob ng room ko. Hindi ko na napigilan pa ang maluha.
Nahiga ako at ibinuhos ang luhang kumawala sa mga mata ko. Kinuha ko ang earphone ko at pinatugtog ang First Love.
Mas lalong bumuhos ang luha ko ng makarelate ako sa kanta. Ang hirap mainlove at sa taong hindi mo makukuha kahit kailan.
Simula ng araw din iyon. Hindi ko na pinansin pa si Jacob. Kami na lang ang natira sa kitchen ng tumabi siya sa akin. Kasalukuyan akong naghuhugas ng magsalita siya.
“Kanina mo pa ako hindi pinapansin.” Aniya sa akin. Hindi ako sumagot kaya nainis siya.
“Kapag kinakausap kita humarap ka sa akin.” Inis na binitawan ko ang sponge at hinarap siya.
“Ano ba ang gusto mong gawin ko ha Jacob.” Nahihimigan ang inis sa tono ng pananalita ko. Nagulat si Jacob sa trato ko sa kaniya.
“Dahil ba to sa Stuff toy? Sige, papalitan ko yun. Kahit ilan sabihin mo lang!” Galit din nitong sabi.
Kinalma ko ang sarili. Hindi naman dahil dun eh. Kaya ako nagkakaganito sa kaniya.
Akala ko ay Okay na kami. Yun pala ganun pa din. Umasa lang ako sa wala.
“Hindi ko kailangan.” Malamig kong sabi.
Natahimik sandali si Jacob. Inis na pinilit niya ako hinarap sa kaniya.
“Dahil lang sa Stuff toy nagkakaganyan ka na. Hindi naman para sayo yun.” Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit. Pinilit kong huwag maiyak sa harap niya.
“Alam ko kaya nga wala kang narinig sa akin.” tanging nasabi ko na lang. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy ang paghuhugas.
Umalis na si Jacob. Mabuti na lang at walang ibang tao dito. Hindi ko na napigilan ang sariling hindi maiyak. Pinahid ko ang luha ng marinig ang boses ni Steve. Ang bunsong kapatid ni Jacob.
“Ate, are you okay?” He asked.
Tumango ako bilang tugon. “Nalagyan kasi ng bubbles itong mata ko pero okay lang ako.”
Sagot ko sa kaniya. Napayakap siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya para ipakitang okay lang ako.
Tama na kakaasa Lei, ikaw lang din ang masasaktan sa bandang huli. Pumunta na ako sa room ko.
Pagkapasok ko, napansin ko ang malaking Star na nasa ibabaw ng bed ko. May ngiti sa labing kinuha ko iyon.
May note sa Star kaya kinuha ko iyon.
‘I'm Sorry’
Yan ang nakalagay. Kanino kaya ito galing? Imposible naman na si Jacob.