Malayo pa lang ako, nakita ko na si Celine na tinatawag ako habang kumakaway. “Halley!” Nakangiti ako habang papalapit sa kanya. “Hi, Celine!” sabi ko. “Halley, dito ka na sa table namin kumain. Marami tayong dapat pag-usapan.” “Sige, order lang ako ng pagkain ko.” “Ako na ang bahala!” wika ni Celine. Kumunot ang noo ko. “Sigurado ka?” “Oo, libre na kita.” “T-Thank you.” Nakatanaw ako kay Celine habang bumibili siya ng pagkain naming. Si Celine ang kaibigan ko dito sa kumpanya. Sekretarya siya ng vice president ng kumpanya. “Ano kaya ang nakain niya?” bulong ko sa sarili. Ilang minuto pa, bitbit na niya ang mga pagkain naming inorder. “Mabuti na lang at hindi masyadong maraming tao,” wika niya habang inilalagay sa mesa ang mga pagkain. “Salamat. Pero bakit mo ako nilibre ng l