Chapter 54 Magkakasunod na katok ang narinig ko mula sa pintuan ng banyo. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang mga hikbi na lalabas mula dito. Gusto kong gawin ito ng mabilisan. Pero papaano ko uumpisahan kung ngayon pa lang ay sobrang nahihirapan na ako? Paano ko magagawang saktan yung lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako? "Baby, are we okay? I'm sorry about Melissa." Tinakpan ko ang buong mukha ko gamit ang dalawang kamay. Huminga muna ako ng malalim saka sumandal sa pader ng banyo. "Yup, Ari. We are okay. Wait lang." Pinanatili kong normal at maayos ang boses ko. Hindi ko alam kung paano ko gagawin 'to. Pero mas mabuti na na gawin ko na ngayon bago pa malaman ng lahat. Mas magiging masaya siya kay Melissa dahil tanggap nila siya para sakanya. Hindi para sa a