Chapter 53 Tulala si Trisha habang nakatingin sa kawalan. Para bang pilit niyang isinisiksik sa sa isip niya ang mga sinabi ko tungkol sa paguusap namin ng mommy ko. Kinwento ko sakanya ang lahat. "I can't believe it, Jill. Dapat sana ay mainitindihan ni tita... pero bakit..." Umiling ito. "Hindi ko din alam, Trish." Umiling din ako saka pinunasan ang magkabilang pisngi ko. Kanina pa ako iyak ng iyak dito at nakakahiya na yun. Ayoko sa lahat ay yung may nakakakita sa akin kapag umiiyak ako. "So, anong plano mo? Don't tell me, susundin mo ang mommy mo?" "Ganun na nga. Ayokong mapasama si Ari dahil sa akin. Una pa lang naman, mali na na minahal ko siya at hinayaan kong humantong kami sa ganito." Wika ko. Naningkit ang mga mata nito. "Come on, Jillian! You can't leave Mishari just like