Chapter 52 Kahit sobrang nanginginig na ako sa takot ay nakuha ko pa ding ihakbang ang mga paa ko palapit sa nanay ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang ipaliwanag sakanya ang mga nakita niya dahil sa dismayadong reaksyon niya ngayon. "Mom... l-let me e-explain." Utal kong panimula nang makalapit ako sakanya. Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya ngunit iniwas niya ito. "Let's get inside." Malamig nitong sabi saka naglakad papasok sa loob ng bahay. "Oh you're back!" Gulat na wika kuya na naka-upo sa may couch nang makita niya ako. Kumunot ang noo nito habang pinagmamasdan niya ang hitsura ko saka pa binalingan ng tingin si mommy. Nginitian ko nalang siya saka sinundan tungo sa taas ang nanay ko. Gusto ko sanang magsumbong sa kapatid ko, pero mas mabuti kung ako muna ang maki