Chapter 51 Latang lata akong nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ko na nagku-kwentuhan. Halos maghapon kaming nakabilad sa araw. Pagkatapos naming tumungo sa limang island ay nag-kayaking, surfing at jet ski pa 'yong iba. Habang ang ilan naman sa aming mga babae ay piniling mag-volleyball. Kahit naman hindi ako sporty ay marunong ako. At ngayon ay kadarating lang namin galing sa isang bar. Parang ngayon ko lang talaga nadama 'yong pagod. Pero masasabi ko naman na pare pareho kaming nag-enjoy. "Let's go outside?" Aya ni Trisha sa amin habang pumipindot sa screen ng phone niya. Nasa labas pa 'yong iba at malamang ay nag-iinuman pa din sila o kaya ay nagku-kwentuhan. Para bang wala silang kapaguran. Kahit si Ari ay nasa labas pa din dahil hindi siya pinayagan nang mga k