Chapter 47 Papalubog na ang araw nang mapag-pasyahan naming umuwi na. Hindi mabura sa mga labi ko ang mga ngiti kahit na medyo pagod at medyo basa pa din. Walang mapag-sidlan ang saya ko na kasama ko si Mishari. Para bang ayoko ng umalis kaming dalawa dito kung saan malaya naming nagagawa pareho ang mga gusto naming dalawa. Iyong pakiramdam na hindi ko siya kailangang palayuin sa akin dahil sa takot na baka may makakita sa aming dalawa na kakilala namin o kakilala kami. Pero hindi ko pwedeng sabihin kay Mishari na dito nalang kami at wag nalang umalis dahil alam kong papayag siya sa gusto. "Mas maganda dito kapag gabi, eh. Bakit hindi nalang kayo umuwi bukas? Pwede naman tayong sama sama sa hotel, Ari, Jill." Ani Oleya nang magpaalam kami sakanila. Inilibot ko ang tingin ko sa buong lu