Chapter 46 Bangag akong nakatingin sa daan at sumusubo ng fries habang nagba-byahe kami tungo sa kung saan. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ni Mishari Hizon ngayong araw na ito. Mas pinili niyang umalis nalang kaming dalawa kaysa sa pumunta sa University. 6:30 pa lang ng umaga ay hinugot na niya ako sa kama dahil may pupuntahan daw kami. Okay lang sana na gisingin niya ako ng maaga kung hindi lang kami nag-movie marathon kagabi. Ala una nalang yata kaming natulog pareho pero ako lang 'yong kulang sa tulog ngayon. Pinag-dala pa niya ako ng extra'ng damit at hindi ko alam kung para saan iyon. Gusto ko mang matulog buong byahe ay hindi ko magawa dahil nadi-distract ako sa dinadaanan namin. Mukha ding malayo layo ang pupuntahan namin dahil alas dyes na ng umaga. "Saan ba kasi tayo p