Chapter 45 Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakatunganga lang ako sa kawalan habang pinaglalaruan ko ang suot kong hikaw sa kanang tenga ko na bigay ni Mishari. Ngayon ko pa lamang talaga sila isinuot mula nung ibigay niya sa akin. Hindi kasi ako mahilig magsuot ng mga jewelries. Kapag gusto ko lang. Abala naman ang mga kaklase ko sa pag-uusap tungkol sa University Foundation Week na magsisimula na bukas. Dapat ay whole week iyon pero ginawa nalang nilang three days. Halos buong campus nga ay iyon ang topic nila. Madami ding mga activities na pwedeng salihan. Lalo na't tapos na ang finals week namin at malapit na ang sembreak. Last year ay sumali ako sa Fun Run dahil lang sa mga kaklase ko. Hindi naman ako mahilig sumali sa mga school activities kahit noong High School pa lang ako. Lalo