Chapter 43 Kinu-kwento ko sa mga magulang ko ang buhay ko kasama si Mishari sa isang bubong. Nagiging maingat din ako sa bawat salita na palalabasin ko sa bibig ko dahil baka bigla akong madulas at masabi ko ang tungkol sa aming dalawa. Though gustong gusto ko ng sabihin sakanila pero namamayani ang takot sa dibdib ko. Natatakot ako sa kung ano ang pwede nilang sabihin sa amin. Baka hindi nila matanggap ang kung anong meron kami dahil alam nila ang tungkol kay Mishari at Melissa. Ang alam nila ay sila pa din hanggang ngayon. At alam din nila na alam ni Melissa na nakatira ako sa unit ni Ari. Paulit ulit nilang sinasabi na may tiwala sila sa akin kaya hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng guilt. May tiwala din daw sila kay Ari dahil alam nilang magkaibigan kaming dalawa. Magkaibigan l