Chapter 36 Inis na inis akong naka-upo sa couch habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko kay Mishari dahil sa nalaman ko na ginawa niya kay Lindsay. Mabait naman si Lindsay at wala akong ideya kung ano ang pinag-awayan nila ni Melissa. At hindi ko lubos maisip na nagawa niya iyon dahil lang sa akin. Hindi ako natutuwa. Nagi-guilty ako. Padabog kong kinuha ang remote sa center table saka pinatay ang TV dahil naririndi ang mga tenga ko. Hindi nakakatulong ang panonood ngayon dahil sa inis ko. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at mas lalo lang akong na-inis dahil mag-a-alas syete na ay wala pa din ang lalaking iyon. Sigurado ako na kanina pa niya nasundo ang kapatid ni Melissa. O baka pumunta nga siya sa party nung Hilary na iyon! Ugh! Napatingin ak