Chapter 37 Abalang abala ako sa pakikipag-kwentuhan kay Aicel at Jeric nang tungkol sa amin ni Mishari. Hindi ko alam kung bakit kinu-kwento ko sakanila ang tungkol sa kung paano naging kami. Masyado kasi silang makulit na dalawa at ayaw nila akong tantanan. Kaya pinili ko na ding mag-kwento sakanila para manahimik na sila. At pinaki-usapan na din na kung pwede ay wag silang magdaldal tungkol dito. After nang klase namin ay inaya nila akong mag-mall at kumain sa labas. At ako naman itong mabilis sumang-ayon ay pumayag ako. Ni hindi ko man lang naisip na magtatanong sila tungkol sa amin ni Mishari. Hindi kami sabay pumasok ni Ari kanina dahil 9am palang 'yong klase ko while 7am naman 'yong kanya. Dinala ko din 'yong sasakyan ko dahil hindi kami sabay na uuwi. Maglalaro pa 'yon ng basketb