***REVO*** “Kuya, kumalma ka lang. Magiging ayos din si Ate at ang baby,” pansin ni Emmil sa kanya. “Kasalanan ko ang lahat. Ang gago ko,” wala naman sa sarili na naibulalas ni Revo. Alam niyang nahihilo na sa kanya si Emmil sa kaniyang pagpapabalik-balik na lakad. Tutungo siya sa automatic na sliding door ng operating room pero aalis din naman. Paulit-ulit siya na ganoon habang nagkikiskisan ang kaniyang dalawang palad kasabay nang paminsan-minsan na pagkagat sa labi. Sobra talagang nag-aalala siya para sa mag-ina and at the same time guilty. Ano itong nagawa niya? Pati ang walang kamuwang-muwang na baby – na hindi pa naiisilang – ay kaniyang idinamay. Siguradong sinusunog na ngayon sa impyerno ang kaniyang kaluluwa. Sinagad na niya ang kasamaan. Shit! “Kuya, ayos ka lang?” Nil