KABANATA 82

2551 Words

***KABHY/DARION*** “Sir, bago ang lahat may pera ka ba?” tanong sa kaniya ni Veron nang kumambyo na naman. Muli siyang hinarap. Natigilan siya at umiling. Tumirik ang mga mata ng dalaga. “Sabi ko na nga ba. Buti na lang at tinanong ko. Saglit lang po at kukunin ko ang wallet mo.” Sinundan na lamang niya ito ng tingin nang pumasok sa loob ng mansyon. Sana bilisan nito nang makaalis na siya. Gustong-gusto na niyang makita si Eyrna. Gusto na niyang malaman kung nasa maayos na ba itong kalagayan pati na ang anak nitong ipinagbubuntis. Nag-aalala siya na hindi niya mawari. Basta kumakabog nang husto ang kaniyang puso. “Bilisan mo, Veron!” walang boses na mando at kaway niya sa dalaga nang makita na niya ito sa may hagdanan. Nakikita niyang nagmamadali na ito pero pinadali niya pa lalo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD