***KABHY*** Fresh na mga bulaklak at kandila ang dala ni Kabhy para sa puntod ni Mia. Nakatayo siya sa harap ng grave house, hawak ang isang itim na payong na nagsisilbing pananggalang sa init ng araw. Wala siyang lakas na pumasok sa pinagawa niyang bahay ng asawa sa memorial. Nanatili lang siya sa labas niyon. Nahihiya siya. Siya ang hindi makatanggap na may nakasalo siya sa kama na ibang babae gayung ilang araw pa lang ang nakakalipas noong ilibing si Mia. Tapos sa mismong kama pa nilang mag-asawa. “Mia, hon, ayokong maging mahina,” anas niya. “Please, tulungan mo akong ilayo sa mga tukso. Bigyan mo ako ng tapang at tatag. Ayaw ko nang maulit ang nangyari sa akin na nawala sa sarili ko. Ayaw kong hanapin ka sa ibang katauhan. Hindi ko matanggap na nagalaw ko si Lailey dahil sa pangun