***EYRNA*** Sanay na si Eyrna sa bago niyang kapalaran. Adjusted na siyang muli sa buhay niya bilang isang ghost singer at hindi na entertainer. Katunayan, ayaw man niyang aminin ay mas malaki na ngayon ang kinikita niya. Bawat pagkanta niya ay mayroon siyang alawans mula kay Miss Lailey, tapos may sahod siyang one hundred thousand every month daw. Kung magtutuloy-tuloy ay mas okay na ang buhay nila ni Emmil. Hayaan na niya ang pangarap niyang makilala ng madaming tao. Ang mahalaga lang naman ay maiparinig niya ang kanyang boses, na nangyayari naman dahil kay Miss Lailey. Sa isang linggo nama’y may isa at minsan pa nga’y tatlong beses na show si Lailey. Tapos ay hindi sila nababakante dahil may regular show si Lailey sa isang entertainment show sa TV tuwing tanghali ng linggo. May port