***LAILEY*** Tuwang-tuwa siya sa nakita niyang resulta nang pagpapasuot niya ng suit kay Darion. Muli ay nakita niya si Kabhy sa katauhan nito. Napakaguwapo. Her heart was overflowing with emotions as they walk down the grand staircase. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na sulyap-sulyapan ito. Kinikilig siya dahil hinahayaan siya na nakahawak sa braso nito. Pakiramdam niya ay nagbalik na si Kabhy Ziegler sa kanya. Ang balak niya ay dalhin si Darion sa pinakamamahaling restaurant. Kakain sila ng mga pagkain at wine na nagkakahalaga ng milyon. Ipapakita niya kung gaano ito kayaman upang kahit paano pumasok sa isip nito ang pagiging bilyonaryo. At nakalabas na sila sa main door nang nag-vibrate ang cellphone niya. Kinukulit talaga siya ng walang kuwenta niyang kapatid. SASABIHIN