***DARION/KABHY*** Darion was awakened by a knock on the door. Hirap na hirap na iminulat niya ang mga mata. At sandali siyang nagtaka kung nasaan siya. Napakamot-batok na lamang siya nang ipaalala ng kanyang isip na nasa Maynila, sa malaking bahay raw niya. Pupungas-pungas na bumangon na siya. Nang sulyapan niya ang wall clock ay sinabing alas-dyes ng gabi pa lamang. Napanguso siya dahil akala niya ay umaga na. “Did I wake you?” mapang-akit ang ngiting tanong sa kanya ni Lailey nang mapagbuksan niya ito ng pinto. Inayos-ayos niya ang buhok na magulo. “Okay lang. May kailangan ka?” “Maligo ka at magbihis tapos isuot mo ito.” Inabot ni Lailey ang hawak nitong kahon at damit. “Sasama ka sa akin. May pupuntahan tayo.” “Pero gabi na?” alanganing aniya. “Dito sa Maynila ay maaga pa ang